Natupad lahat ng pinangarap ko
Ang isang buwan biglang naglalaho
Kapag kasama ka oh ang bilis ng panahon
Iiwasan ko na ikaw ay masaktan
Araw-araw pinagsisisihan ko
Na hinayaan lamang na magkagan'to
Kung alam ko lang ito na ang ating hangganan
Susulitin ko ang bawat oras na kasama ka
Isang minuto tayo ay nagbago
Nung inamin ko na nagkamali ako
Pang habang-buhay ang ating pinangako
Ang walang hanggan bigla na lamang huminto
Hahayaan ba puso ko'y umasa pa
Araw-araw pinagsisisihan ko
Na hinayaan lamang na magkagan'to
Kung alam ko lang ito na ang ating hangganan
Susulitin ko ang bawat oras na kasama ka
Isang segundong kasama mo
Ibubulong sa'yo hindi tumigil ang pag-ibig ko
Araw-araw pinagsisisihan ko
Na sinayang ang isang katulad mo
Kung alam ko lang na ganito ating hantungan
Pipigilan ko takbo ng oras nang makasama ka