LyricFind Logo
LyricFind Logo
Sign In
Lyric cover art

Kahit Malayo

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Share icon
Lyrics
Kahit malayo pa
Kahit na mag-isa
Kahit walang naniniwala
Hinding hindi magpapapigil abutin ang mga tala
Ahh ahh
Oh heto na naman hawak ay papel at lapis
Unti-unting sinusulat ang mga ninanais sabihin
Mga pangarap at plano sa buhay
Na sana'y pagdating ng araw mabigyan ng kulay
Walang ibang puhunan gamit lamang ay talento
Mula pa nung una mithiin ko'y hindi nagbago
Ang bawat musika at letra na mula sa puso
Naghihintay na lamang matikman ang pag asenso
Malayo ang tingin resulta lang ang nakikita
Tutok sa pag-abante di kailangan magpabida
Mga pekeng kaibigan at pekeng pagsuporta
H'wag nang magtataka kung di nyo na'ko nakikita
Binuhos ang lahat ng oras sa aking mga obra
Sa bente-kwatro oras ay wala nang sumusobra
At kahit ano pa ang sabihin nila
Gagapangin ang panalo nang nag-iisa
Kahit malayo pa
Kahit na mag-isa
Kahit walang naniniwala
Hinding hindi magpapapigil abutin ang mga tala
Ahh ahh
Walang pakialam pagdating sa mga negatibo
Masyado nang madami ang aking sinakripisyo
Kaya naman pasensya kung ako'y naging seryoso
Ako'y natuto lang sa mga pagkakamali ko
Akala ng iba ako'y walang ibubuga
Hinusgahan nila base sa aking simula
Kaya naman nagpursigi't hinasa ang gawa
Unti-unting pinatunayan na mali sila
Hindi napagod sa tuwing ako'y sumasablay
Yan ang nagturo sa akin at naging gabay
Hanggang sa punto na kayang kaya nang sumabay
Sa bawat pagsubok na sa akin ay binibigay
Mata'y palaging sa dulo lang nakatingin
Kahit malayo alam ko na mararating
Kung may humarang man hinding hindi padadaig
Tagumpay natin ay hindi malabong makamit
Kahit malayo pa
Kahit na mag-isa
Kahit walang naniniwala
Hinding hindi magpapapigil abutin ang mga tala
Ahh ahh
Kahit malayo pa
Kahit na mag-isa
Kahit walang naniniwala
Hinding hindi magpapapigil abutin ang mga tala
Ahh ahh

WRITERS

jello reyes

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

From This Artist